Pa-boobs ni Anne sinumbong ni Nico kay Erwan

4 years ago 0 Comments

Araw-araw ngang binubulabog ni Anne Curtis ang Instagram dahil sa mga photo na pino-post niya. Nasa Canada nga si Anne ngayon para sa kanyang concert tour ng Annekulit sa Canada!

Maya’t maya nga ay pino-post ni Anne ang mga bonggang-bonggang costume na ginagamit niya sa concert. At oo nga naman, super seksi naman kasi ni Anne sa mga Instagram post niya.

“When jetlag is hitting you so bad… but the energy from Madlang Calgary kept me wide awake! First leg of #ANNEkulitSaCA­NADA done.

“Calgary, you were such an amazing crowd! Thank you for all the love you made me feel tonight! I had so much fun and I hope I was able to give back the e­xact same happiness you gave me! Till the next one!” sabi ni Anne.

At sa photo nga na ‘yon ni Anne, medyo sumilip talaga ang boobs niya. May pa-cleavage, kaya hindi naiwasan ni Nico Bolzico ang mag-comment.

“Epa. Too much pakwan here!” sabi ni Nicko at naka-tag pa si Erwan Heussaff.

Siyempre, alam na alam agad ng mga fan ang tinutukoy ni Nicko. Tila nga nagsumbong daw ito kay Erwan, na ang misis niya ay mas­yadong nagpapasilip ng boobs.

Tawang-tawa naman ang mga fan sa komento na ‘yon ni Nico, ha! Alam kasi nila kung gaano kalokong lalaki si Nico, na lahat na lang yata ng mga pino-post nito ay nilalagyan ng kalokohan.

“Extra #ANNEkulit tonight. 2 down. 2 to go. Thank you so much Vancouver! That was a lot of fun! Excited to see you next TORONTO on March 16 and WINNIPEG on March 17,” sabi pa ni Anne.

Source From:https://www.abante.com.ph/pa-boobs-ni-anne-sinumbong-ni-nico-kay-erwan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi