‘Paalam’, ‘Patawad’ ni Moira magaan sa dibdib

3 years ago 0 Comments

Dadalhin ni Moira Dela Torre ang mga tagapakinig sa isang emosyonal na paglalakbay sa kanyang inilabas na album mula sa Star Music na “Patawad,” kung saan kasama ang mga bagong niyang kanta at recent collaborations gaya ng “Mabagal” at ang trilogy na “Paalam, Patawad.”

“To be honest with you, ninais namin i-postpone ang release ng album. Naiintidihan ko na ang matinding pinagdadaanan ng lahat ay hindi dapat ipagwalang bahala. Pero nauunawaan ko rin na sa paghihirap, music is always a present friend,” sabi ni Moira.

“In times of trouble, music brings comfort, hope and peace, kaya’t napagdesisyunan naming ituloy ang release na may layunin na ang mga awitin dito, na inabot ng dalawang taon bago matapos, ay maghahatid ng ligaya at suporta,” dagdag niya.

Siyam sa 13 kantang nasa bagong album ni Moira ay orihinal niyang komposisyon. Ito ay ang “Kita Na Kita” na inawit niya kasama ang asawang si Jason Hernandez, “Ang Iwasan,” “Pahinga,” “Ikaw Pa Rin” kasama si Erik Santos, “Sabi Ng Lola,” “E.D.S.A. – Emosyong Dinaan Sa Awit,” at ang trilogy na “Patawad, Paalam,” na kolaborasyon niya kasama ang I Belong To The Zoo, “Paalam” kasama naman ang Ben&Ben, at ang “Patawad.”

Bukod dito, mapapakinggan din sa album ang performance ni Moira ng spoken word piece ni Brian Vee na “Handa, Awit,” ang theme song ng “24/7” na “Hanggang Sa Huli,” “Unbreakable” mula sa pelikula ng Star Cinema, at ang 2019 Himig Handog Best Song na “Mabagal.”

Bago ni-release ang album na “Patawad,” inilabas na rin ang mga music video ng mga kantang “Paalam” at “Patawad,” na siyang kumukumpleto sa kwento ng pag-ibig na hindi itinadhana, na nagsimula sa “Patawad, Paalam” noong isang taon.

Samantala, umulan naman ng samu’t saring emosyon sa paglabas ng bagong album ni Moira, kabilang na ang mga papuri ng mga tao sa kakayahan niyang pakalmahin ang puso ng mga tagapakinig gamit ang kanyang musika.

“Sobrang gaan, nawala yung bigat. Pakiramdam ko ngayon lang ako uli nakalanghap ng ganitong hangin. Nakakapanibagong ang gaan sa dibdib. Ang laking tulong! Ang sarap sa pakiramdam. Nakawala ako sa gumagapos sa akin,” sabi ni @LyannaMylle sa Twitter. (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/paalam-patawad-ni-moira-magaan-sa-dibdib.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi