Pac-Floyd 2 popondohan ni Jack Ma

3 years ago 0 Comments

URONG-SULONG, sulong-urong sa nakalipas na ilang taon ang palitan ng hamon nina Floyd Joy Mayweather Jr. ng Estados Unidos at Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao para sa rematch matapos ang kontro­bersyal na panalo ng una may apat na taon na ang nakakalipas.

Lunes, ‘di na napigilan ng fighting senator na hamunin si ‘Money’ Mayweather tapos maglabas ng isang vi­deo sa kanyang Twitter account.

“Floyd Mayweather, if you want a real fight, fight me. If you want an exhibition, my guy, my friend, Jack Ma, will take care of you,” bulalas ng 40-anyos na Pambansang Kamao kasama ang Chinese billionaire at Alibaba founder Jack Ma.

Makikita rin sa vi­deo na tila handa ring harapin ng 55-anyos na businessman na si Ma si undefeated boxer Floyd at sa pagporma rin ng suntok. Suportado ni Ma ang Team MP at sinegundahan ang challenge ni Pacman. (Aivan Episcope)

Source From:https://www.abante.com.ph/pac-floyd-2-popondohan-ni-jack-ma.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi