Pacquiao handang durugin si Spence

3 years ago 0 Comments

Si Errol Spence ng Estados Unidos na ba ang susunod na makakasapakan ng ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao?

Matapos gibain ni Spence ang kapwa Amerikanong si Mikey Garcia via unanimous decision, 120-107, 120-108, 120-108, nitong Linggo, oras sa Pilipinas, tinawag nito sa ring ang nanood na si Pacquiao para hamunin sa ­laban.

“He’s been here before, he’s broke records before, he’s a legend of the sport and it would be my honor to fight him next,” ayon kay ­Spence na nanatiling International Boxing Federation welterweight champion.

Naging positibo naman ang tugon ng 40-anyos na si Pacquiao sa hamon ng mas higit na batang si Spence.
“Yeah, why not? We’ll give the fans a good fight,” ayon kay Pacman.

Kung sakali, posibleng unification bout ang paglabanan ng dalawang matikas na boksingero, hawak pa ngayon ni Pacquiao ang World Boxing Association welterweight title na nakuha kay Lucas Matthysse ng Argentina noong nakaraang taon.

Si Spence ang ikalawang best welterweight fighter sa ngayon, karay ang busilak na 25W-0L record at kilala ring knockout specialist sa 21 KOs.

Source From:https://www.abante.com.ph/pacquiao-handang-durugin-si-spence.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi