Padyak driver arestado sa panghahalay, pambubuntis ng 10-taong-gulang

4 years ago 0 Comments
Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA — Inaresto ang isang 40-anyos pedicab driver dahil sa umano'y panghahalay sa 10-taong-gulang na babaeng kaniyang nabuntis sa Las Piñas. 

Kapitbahay ng pamilya ng biktimang si "Kelly" ang suspek na si "Jaime", na isa ring volunteer tanod ng barangay. 

Araw-araw na hinahatid at sinusundo ng suspek ang Grade 5 na biktima sa paaralan nito. 

Napansin kamakailan ng ina ni Kelly na nahinto ang buwanang dalaw nito kaya ipinatingin ang dalagita sa isang manghihilot. 

Doon na nadiskubreng buntis ang bata, dahilan para aminin niya na noong Enero pa nagsimula ang panghahalay sa kaniya ni Jaime. 

Ipinahuli ng pamilya ni Kelly ang suspek nitong Biyernes. 

Napag-alamang lagi umanong tinatakot ni Jaime ang bata na huwag magsumbong sa magulang, ayon kay Col. Simnar Gran, hepe ng Las Piñas police. 

Depensa naman ni Jaime, pumayag umano ang bata sa ginawa nito sa kanya tuwing naiiwan silang dalawa sa bahay ni Kelly. 

Itinanggi ng suspek na nakainom siya o gumagamit ng droga noong panahong hinalay niya ang bata.

Ayon sa suspek, nagsisi na siya sa ginawa at humingi ng paumanhin sa magulang ni Kelly. 

Sumailalim na si Jaime sa inquest proceedings para sa kasong rape kaugnay ng Child Abuse Law 

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/07/01/19/padyak-driver-arestado-sa-panghahalay-pambubuntis-ng-10-taong-gulang

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi