‘Pag may ebidensya: Michael Yang itotokhang ni Digong

5 years ago 0 Comments

PAPATAYIN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Adviser on Economic Affairs Michael Yang kapag napatunayan ang bintang na sangkot ito sa iligal na droga.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos muling lumutang ang pangalan ni Yang sa isyu ng illegal drugs mula sa sinibak na opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni Panelo na kilala ang Pangulo na galit sa iligal na droga at kahit pa kaibigan o kakilala, kapag nasangkot sa illegal drugs ay hindi niya ito sasantuhin.

“You don’t know this guy (Duterte). He will kill him if he is involved in illegal drugs,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na batid ng publiko kung bakit galit ang Pangulo sa epektong ­hatid ng iligal na droga sa mga Pilipino at hindi nito palalampasin si Yang kapag napatunayan ang bintang ­laban sa kanya.

“Charges will file against him if that is validated. Just like the way he treats other people involved with drugs he will go to the ends of the earth to put them behind bars. If they resist, under the law the police officers whose lives are ­endangered can use little violence,” ani Panelo.

Sa unang tingin ni Panelo, walang bigat ang bintang ni Police Colonel Eduardo ­Acierto laban kay Yang. Lumang isyu na aniya ito na nire-recycle lamang dahil sa papalapit na May 13 midterm elections.

Sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na kuwestyonable ang paglutang ni Yang.

“Unang-una, alam nating lahat na si ex-Col. Acierto ay matagal nang dismissed, since last year ng August, because of corruption charges o ‘yung smuggling ng mga AK47. ­Hindi ko alam kung anong nasa loobin niya,” ani Alba­yalde.

Source From:https://www.abante.com.ph/pag-may-ebidensya-michael-yang-itotokhang-ni-digong.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi