Paggalaw ng West Valley Fault ang paghandaan –…

4 years ago 0 Comments

HALOS araw-araw ay may naitatalang tectonic earthquakes sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kung dati ay hindi ito pansin ng publiko, ibang takot na ang nararamdaman ngayon ng taumba­yan matapos ang magkasunod na malakas na lindol sa Luzon at Visayas.

Ayon kay Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum, normal lamang na magkaroon ng 20 lindol sa isang araw at hindi ito dapat na ipangamba.

Pagpapakita lamang umano ito kung gaano kaaktibo ang bansa pagdating sa earthquakes dahil isa ang Pilipinas na nasa Ring of Fire kung saan malakas ang seismic activities.

May araw umano na nararamdaman ang lindol dahil may kalakasan subalit maraming pagkakataon na hindi ito ramdam, ang dapat umano na paghandaan ay ang paggalaw ng West Valley Fault kaya kailangang maging handa at alam ang gagawin kapag nangyari ito.

Nilinaw ng Phivolcs na hindi magkakaugnay ang mga nararansang mga lindol. (Tina Mendoza)

Source From:https://www.abante.com.ph/paggalaw-ng-west-valley-fault-ang-paghandaan-phivolcs.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi