Malaya si Senadora Leila de Lima na mag-imbestiga sa ulat na ginagamit ang pondo ng bayan sa pagbabayad ng online “troll armies”, ayon sa Malacañang.
“Sige po. Imbestigahan ni Senator Leila de Lima kung gusto niya. Walang pumipigil sa kanya,” hamon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa detinadong senadora.
Nauna rito ay naghain ng Senate Resolution No. 401, upang atasan ang kinauukulang komite ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon sa katotohanan ng isinagawang pag-aaral sa ibang bansa tungkol sa pag-operate umano ng Duterte administration ng troll farms upang magpakalat ng “political propaganda” gamit ang mga mali at lihis na impormasyon.
“It is against the interests of our country to fund online trolls who manipulate online discussions on national issues for political ends. These funds are better spent on education, alleviating poverty and improving our healthcare system,” ani ni De Lima.
Idinagdag pa niya na ang troll armies ay pinamumunuan ng bloggers at social media personalities na nabigyan ng puwesto sa gobyerno. (Prince Golez)
Source From:https://www.abante.com.ph/palasyo-kay-de-lima-mga-troll-army-ng-gobyerno-imbestigahan-mo.htm