Pamilya ni Derek super love si Andrea

3 years ago 0 Comments

Hindi man pisikal na maasalto ni Derek Ramsay ang girlfriend na si Andrea Torres sa kaarawan nito ngayong araw dahil magkahiwalay sila during ecq, mukhang daig pa ang may pa-surprise party si Derek sa ginawa niya sa girlfriend.

Buong netizens ang nakaka-witnessed dahil sa uploaded video ni Derek sa kanyang Instagram account ng ginawa nitong mga video greetings ng mga taong malapit kay Andrea. Kabilang na ang High School bestfriend ng Kapuso actress at ibang kaibigan, pero mas ang mga magulang, kapatid, anak ni Derek, manager at pamangkin.

Halos lahat, mararamdaman mo na hindi lang tanggap kung hindi mahal nila si Andrea. Ang Daddy ni Derek ay namimiss din maging ang mga magulang ng girlfriend.

Ang isang kapatid ni Derek even thanked Andrea for making her Kuya happy raw.

Sabi nga ni Derek, “There you go baby. All those people loves you so much. We all wish we were there I wish I was there with you to give you a nice big hugs. Happy, Happy Birthday, Babes. You know that I love from the bottom of my heart and I’m so lucky to have you in my life. Happy Birthday, Baby. Take care.”

Parang nai-imagine namin si Andrea kung paanong magkahalong tawa at iyak ang ginagawa nito habang pinapanood ang video. Sabi nga niya, “This means so much!!!! I’m so happy!!! Thank you Babe. I love you!”

Nagpasalamat din ito sa lahat ng bumati sa kanya at inaming umiiyak pa rin daw siya.

Alden type maging sundalo, pari

Bukod sa paglalaro ng Mobile Legends, Ragnarok din daw ang isa sa pinagkakaabalahan at nilalaro ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ngayong naka-enhanced community quarantine pa.

Naiwan ni Alden sa condo niya sa Manila ang set-up gaming table niya na nasilip daw niya noong isang araw, pero naiwan pa rin nang bumalik siya after a few hours sa bahay nila sa Laguna.

Naka-dalawang IG Live na rin si Alden at kahapon nga ang ikalawa kunsaan, nakasama niya ang spiritual adviser niya na si Father Jeff. During the IG Live, nalaman namin na interesado rin itong mag-join sa Philippine Air Force at kinumpirmang pinag-iisipan niya ang imbitasyon sa kanya.

Bukod sa mga kaibigan at katrabaho, ang pagsisimba ang isa raw sa nami-miss niya.

“Ang dami, siyempre, aside sa marami akong time ngayon with family. Siyempre, iba pa rin when you spend your time with family in church with the Lord. Yun ang namimiss ko, yung makapagsimba every Sunday.

“Kasi, yun ang kinuha sa atin ng quarantine. Yun ang kinuha sa atin ng national disaster that is happening to us.”

Mula sa pagiging sobrang busy niya sa nakaraang taon o kung tutuusin, sa nakaraang dekada ng buhay niya, biglang heto, magda-dalawang buwan na siyang nakapahinga lang sa bahay.

“Wala, tanggal lahat,” sey ni Alden.

Kung may natutunan man daw si Alden ngayong quarantine, ito ay ang maging mabait sa lahat ng pagkakataon.

“Ano to, e, it’s a test of humanity. Pagsubok ‘to ng tao, bawat tao sa mundo. Life is short. Hindi natin alam kung kailan tayo kukunin ni Lord, kung kailan tayo bibigyan ng challenges ni Lord.

“The real lesson here is be kind to everyone. Yung faith, hindi dapat bitawan. Ako, after quarantine, parang sinasabi sa akin na everyday is a chance to help. Help the ones in need. Be there for the people who needs your help.”

Sey pa ni Alden, hindi naman daw pinansiyal lang palagi ang paraan ng pagtulong.

“Misconception natin yun na parang pera lang, palaging may ibinibigay. Marami tayong puwedeng ibigay sa lahat ng nangangailangan. Oras, sarili. Kahit hindi materyal things, puwede tayong makatulong.”

Itong si Alden, hindi na kami magugulat kung dumating ang araw na may calling din palaging maging Pari, huh!

Source From:https://www.abante.com.ph/pamilya-ni-derek-super-love-si-andrea.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi