Pampalaki o pampatigas

4 years ago 0 Comments

Dear Dra Holmes:
Good day po, Dra…hingi lang po sana ako ng payo Doc.

Saan po ba at ano magandang penis enlarger?

Meron po ba talaga ng ganon..

Advance many thanks po sa sagot nyo..

God bless.. Raffy

Dear Raffy:

Maraming salamat sa sulat mo. So far, wala pa akong alam na tunay na penis enlarger (na talagang nakakapaglaki ng ari ng lalaki) kundi ang magpaopera. ‘Yun lang. ‘Yung ibang mga mabibili ay hindi talaga penis enlarger at sayang lang pera mo kung bumili ka ng mga ganitong instrument. Ingat—MG Holmes
Dear Dra Holmes:

Pero, Doc, Nakita ko na po ang epekto nito sa kaibigan ko nandun po ako. Ilagay ‘yung ari sa loob, mayroon daw sinisipsip at lumaki kaagad ang ari ng kaibigan ko.

Dear Raffy:

Eto ay tinatawag na vacuum device. Ang sinisipsip ay hangin. Nagkakaroon ng bakyum (vacuum) sa pagsipsip ng hangin habang nasa loob ang ari ng kaibigan mo sa aparatong ito. Dahil sa vacuum, ang dugo ay pumunta sa mga spongy tissue ng ari ng lalaki. Ang nangyari sa kaibigan mo ay nagkaroon siya ng erection. Tumigas ang ari niya at ito ay mas malaki kaysa sa ari niya kapag flaccid (malambot) ito. Ang aparatong ito (vacuum device) ay hindi talaga pampalaki, pero pampatigas ng ari.

Kung wala ka namang problema sa pagtigas ng ari mo, kung wala ka namang ED (erectile dysfunction), hindi mo kailangan ang vacuum device, Raffy.

Ang balat sa palibot ng ari ng lalaki ay limitado. Lumalaki ang ari ng lalaki hanggang puwede dahil sa balat sa palibutan. Pagkatapos nito, wala nang magpapalaki sa ari ng lalaki. ‘Yan ang dahilan na ang isang operasyon lang ang tunay na makakapag­palaki ng ari ng lalaki.

Inaasahan kong natulungan kita, dear Raffy. Ingat—MG Holmes

Si Dra Holmes at nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes

http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin din siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook.

Source From:https://www.abante.com.ph/pampalaki-o-pampatigas.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi