Para kontrolado trapik! Left lane ng EDSA para sa mga bus…

3 years ago 0 Comments

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ilaan lamang sa mga bus ang 2 left-most lanes ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) para makontrol ang mga pasahero at maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus (Covid-19).

Ayon kay MMDA Gen. manager JoJo Garcia, magkakaroon lamang ng 15 loading at unloading area sa EDSA para sa maayos na pagpapatupad ng trapiko at ligtas na pagbibiyahe.

“Para mawala na po sa bangketa ang tao at ang ating loading and unloading bays, dedicated na talaga at hindi sa kalsada nagsasakay, nagbababa,” ayon kay Garcia.

Naglaan din ng proposal ang pamunuan ng MMDA na ipatupad ang `modified coding system’ na kung saan dalawang pasahero lamang bawat sasakyan ang obligadong bumiyahe sa mga pribadong sasakyan. (Vick Aquino)

Source From:https://www.abante.com.ph/para-kontrolado-trapik-left-lane-ng-edsa-para-sa-mga-bus-lang-mmda3.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi