Para sa mass testing: Angel nagbenta ng kotse

3 years ago 0 Comments

Patuloy na pinatutunayan ni Angel Locsin na siya nga ang real life ‘Darna’ ng maraming Pilipino dahil sa mga aksyong ginagawa niya sa gitna ng pandemya.

Napagdesisyunan ng aktres na isama ang kanyang kotse na 2015 Dodge Durango sa mga ibibenta niya sa ‘Shop and Share’ na layuning tulungan ang mga kapwa Pilipino na mapa-test ng libre ngayong panahon ng krisis.

Hindi pa sinasabi kung magkano ito ibibenta pero malalaman ito kapag nag-live na sa Facebook ang ‘Shop and Share’.

Ngunit ayon sa pananaliksik, nasa Php929,864 hanggang Php1,297,920 ang halaga ng naturang sasakyan.

And guess what? Hindi ito ang unang beses na ibinenta niya ang kanyang sasakyan dahil noong 2013 ay ginawa niya rin ito para naman sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. (Athena Yap)

Source From:https://www.abante.com.ph/para-sa-mass-testing-angel-nagbenta-ng-kotse.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi