Parak pinagbabaril habang papunta ng presinto

4 years ago 0 Comments

PATAY ang isang pulis matapos itong tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding-in-tandem na nakamotorsiklo habang patungo ito ng presinto kamakalawa sa bayan ng Pio V. Corpus lalawigan ng Masbate.

Dead on-the-spot matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Police Corporal Randy Almanzor, 39, may asawa, nakatalaga sa Cataingan Municipal Police Station (MPS).

Sa ulat na ipinadala ni Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsa­lita ng Bicol PNP, naganap ang insidente dakong alas-kuwatro nang hapon sa kahabaan ng Barangay Bugang ng nabatid na bayan.

Kasalukuyan umanong lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima patungo sana ng istasyon ng pulis nang tambangan at malapitang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga armadong tandem.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa kabilang barangay habang iniwang wala nang buhay ang pulis na biktima.
Inaalam ngayon ng awtoridad ang motibo ng pamamaslang. (Edwin Balasa)

Source From:https://www.abante.com.ph/parak-pinagbabaril-habang-papunta-ng-presinto.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi