PORMAL nang tinuldukan ni Bobby Ray Parks, Jr. ang kanyang Asean Basketball League (ABL) stint.
Sa kanyang mahabang Instagram caption, lubos ang panghihinayang ni Parks na maagang natapos ang kanilang kampanya ngayong season, lumuhod sa quarterfinals kontra sa Hong Kong Eastern sa dalawang laro.
“Truly still in pain that we weren’t able to go all the way this year, but i know for a fact that God has a plan and a purpose.His ways are higher than ours so we may not understand it yet,” saad ng dating National University standout.
Pinasalamatan din ng former NBA D-League veteran ang mga nakatulong sa paglalaro niya sa Asean league tulad ng kanyang coach na si Jimmy Alapag, Danny Seigle at iba pa.
Dugtong pa ng dating Texas Legends player, kanya nang winakasan ang paglalaro sa ABL, sumalang ng tatlong season at sa loob ng paglalaro sa liga ay nakasungkit ng isang kampeonato at dalawang local MVP award.
Ngayong tapos na ang karera sa ABL, tinitingnan niya na ang posibilidad na makatungtong sa isa sa prestihiyosong liga sa Asya, ang PBA.
Nakuha si Parks ng Blackwater Elite bilang second overall pick sa 2018 PBA Draft, nagkaroon ng ugong ukol sa trade. Pero ayon kay Blackwater team owner Dioceldo Sy, mananatili sa kanilang koponan ang 26-anyos na basketbolista. (Ray Mark Patriarca)
Source From:https://www.abante.com.ph/parks-move-on-na-sa-abl-pba-next.htm