Pasabog ang paghuhubad: Alindog ni Loisa Andalio pantanggal…

4 years ago 0 Comments

Ramdam na ramdam ang init ng panahon ngayon dahil summer na nga, at halos lahat ay ay nananatili lang sa mga bahay. Idagdag pa riyan ang pagsirit ng mga isyu sa social media.

Hot topic ang naging statement ng pangulo nitong nakaraang gabi lang. Pero, ibang klaseng hotness naman ang inihain ng Kapamilya actress na si Loisa Andalio sa kanyang Instagram. Pampa-bawas stress daw ito para sa mga barako.

Grabe nga ang pasasalamat ng kalalakihan kay Loisa sa pag-post nito ng kanyang bikini picture dahil sa kabila ng maiinit na balita ngayon sa social media, ibang klaseng init naman daw ang naramdaman ng kalalakihan nang makita ang picture ni Loisa.

Lumiliyab kasi talaga sa kaseksihan ang atres, minsan lang kung mag-post pero bongga kung magpasabog!

Kasunod naman nito ay mas nabuo sa kanilang isipan na mukhang mayroong mas bonggang pasabog ang aktres kapag natapos na ang community quarantine dahil ayon sa mga sinasagot niyang tanong sa #AskLoisa sa Twitter, may aabangan sa kanya!

Tinanong kasi siya kung handa na ba siya sa mga mas mature na role at walang duda na sumagot si Loisa ng “Abangan niyo po.”

Kaya naman marami ang talagang looking forward sa pagtatapos ng community quarantine. (Athena Yap)

Source From:https://www.abante.com.ph/pasabog-ang-paghuhubad-alindog-ni-loisa-andalio-pantanggal-stress-sa-mga-barako1.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi