Pasaway na mga kontraktor iba-blacklist ni Isko

4 years ago 0 Comments

MAGIGING mahigpit si Mayor Isko Moreno sa mga contractor na lalabag sa panuntunan gaya ng pag-iiwan ng mga debris o materyales sa mga construction site sa lungsod ng Maynila.

Nabatid na masinsinan nang kinausap ng alkalde ang mga kinatawan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) gayundin ang PLDT, Globe, Smart, Meralco, Bayantel, Maynilad at Manila Water noong Huwebes at binalaan ang mga ito na seryoso siya sa kanyang misyon na paglingkuran ang mga Manileño at kasama aniya ang serbisyo ng mga ito na kailangan ng mga taga-lugsod.

Ayon kay Moreno, may kasunduan siya sa mga nasabing ahensya ng gobyerno at mga pribadong kompanya na lahat ng ‘undesirable contractor’ ay hindi papayagang mag-operate sa Maynila.

Binanggit ni Moreno ang reklamo aniya ng mga residente ng Maynila laban sa mga private contractor na nag-iiwan ng kanilang kalat o mga gamit matapos ang trabaho habang ang ilan naman ay nakatiwangwang lang ang mga proyekto na bukod sa nagpapasikip sa daloy ng trapiko ay takaw aksidente pa.

Nais din ni Moreno na matapos sa target date ang mga proyekto at kung magkakaroon ng problema dapat na ipaalam agad sa kanila.

“’Pag 120 days ang kontrata, dapat tapos sa 120 days ang proyekto,” ani Moreno. (Mia ­Billones/Juliet de Loza-­Cudia)

Source From:https://www.abante.com.ph/pasaway-na-mga-kontraktor-iba-blacklist-ni-isko.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi