Gusto na kitang sampalin sa ‘Ang Probinsyano’, hirit ko kay Lorna Tolentino noong makatsikahan ko siya sa contract renewal niya bilang endorse ng BeauteDerm, na pag-aari ni Rei Ramos Anicoche-Tan.
At kuwento ni Rei, kahit daw ang yaya nila sa bahay, galit nag alit na kay Lorna, dahil sa kasamaan nito sa Ang Probinsyano.
“Marami na talaga ang galit! Namemersonal na sila!” sabi ni Lorna.
Pagkatapos daw ng Ang Probinsyano, gusto muna niyang magpahinga sa pagiging kontrabida.
“Yeah, napapagod na ako. Imagine lahat ng mga oldies pinapatulan ko.
Ayaw tumigil ng character ko. Sabi ko, sige, sige, okey lang na pasamain niyo ako nang pasamain, basta patayin niyo na siya after!” sambit ni Lorna.
“Hindi ko na nga binabasa lahat ng mga comment. Pero may mga nire-retweet ako na mga sinasabi ng mga nakakaintindi.
“Pero totoo naman kasi, ako nga rin galit na galit na ako kay Lily, ang character ko. Galit din ako at gusto ko na siyang mamatay!
“Minsan nga sa eksena, naiiyak ako sa eksena, kasi alam ko na hindi talaga siya mabuting tao. Kasi wala talagang mabait sa kanya.
“Eh, tanong ko sa staff, wala raw talagang kabutihan si Lily. Sa taping nga may mga adlib na rin ako, na ‘Oh, hindi ko talaga asawa si Oscar, asawa ko si Satanas.’ Ako si Mrs. Satanas!
“Marami talaga ang nagsasabi na demonya ako. Eh, demonya talaga ang character ko!” saad ni Lorna.
Anyway, masaya si Lorna na sa mga mall tour naman nila para sa BeauteDerm ay hindi siya tinatalakan ng mga fan, na alam nilang si Lorna siya, at hindi si Lily. (Dondon Sermino)
Source From:https://www.abante.com.ph/patayin-ninyo-na-ako-sa-probinsyano-lorna.htm