SPECIAL mention kay PBA legend Alvin Patrimonio si Ricky Relosa sa usapan ng pinakamatitinding defenders na nagpahirap sa kanya sa buong career.
Si Patrimonio ang ‘Kapitan’ ng Purefoods mula 1988 hanggang mag-retire noong 2004, sa pagitan niyon ay nag-ipon siya ng apat na MVP awards at anim na championships.
Si Relosa naman ay tandem ni Yoyoy Villamin sa Hills Bros (Alaska) noong late ‘80s.
Brusko ang dalawa, balyahan kung balyahan kaya nabansagang Bruise Brothers.
Hindi makakalimutan ni Patrimonio ang isang insidente nang makalaro sa out-of-town game si Relosa.
“Hinubaran ako nun,” ani Patrimonio, 53, na team manager na ng Purefoods franchise.
Sa Bicol daw nangyari ‘yun.
“Pinabayaan niya lang akong mag-drive. Siyempre take advantage ko ‘yun, drive ako sa basket,” balik-tanaw ni Kap. “Akala mo nalusutan mo si Ricky Relosa. ‘Yun pala may iba siyang plano.”
Nalagpasan niya si Relosa, easy basket na sana ang kasunod.
Pero hindi.
“Pag-drive ko, power ako sa ilalim. Hinubaran niya ako. Binaba ‘yung shorts ko. Eh dati, supporter pa lang suot ng players ‘di ba?” paliwanag niya.
Embarrassing? Parte ng laro ‘yun kay Kap. (VE)
Source From:https://www.abante.com.ph/patrimonio-hinubuan-ni-relosa1.htm