Payo ni Andi sa mga ina: Ipagmalaki ang mga kamot

3 years ago 0 Comments

Suko na si Andi Eigenmann sa kanyang mga stretch mark, na ayon sa kanya ay hindi na matatanggal pa. Nagposte si Andi ng larawan niya sa Instagram suot ang maikling denim short at hanging shirt habang karga-karga ang kanyang bunso.

Sentro ng caption ni Andi ang kanyang stretch mark na ayon sa kanya ay nakuha niya mula sa pagbubuntis sa panganay niyang si Ellie.

Sabi ni Andi, hindi na niya inaasahang mawawala ang kanyang stretch marks, o mabalik sa dati ang kanyang balat, kahit gamitan pa niya ito ng kung anu-anong beauty product.

Pinayuhan niya ang mga follower niya, lalo na ang mga nanay, na hindi dapat mailang na magsuot ng sexy, gaya ng bathing suit, o mga damit na litaw ang kanilang mga tiyan, na dapat ay maging proud ang mga nanay sa kanilang mga kamot, dahil simbolo ito ng kanilang pagiging ina.

May kaugnayan ang post ni Andi tungkol sa stretch marks dahil sa selebrasyon ng Mother’s day. (Rey Pumaloy)

Source From:https://www.abante.com.ph/payo-ni-andi-sa-mga-ina-ipagmalaki-ang-mga-kamot.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi