Bato-bato sa court pero napakamalumanay na tao ang look-a-like ni American singer/rapper Drake na si Brian Heruela.
Hindi siya basta nagpapaapekto sa mga komento ng tao sa kanya.
Hindi rin siya tutok sa social media kaya walang oras para intindihin pa ang mga sinasabi ng ibang tao.
Four-time PBA champion na si Brian at bagong salta sa Phoenix Fuel Masters.
Swak si Brian sa sistema ni Coach Louie Alas dahil fast phase ang kanilang laro, kilalang mabilis sa court si Brian at mahigpit pagdating sa depensa.
Bago pa man mapunta sa Phoenix si Brian ay naglaro siya ng isang conference para sa Blackwater Elite, dalawang conference para sa TNT at tatlong taon naman siyang nanilbihan para sa San Miguel Beermen kung saan nakakuha siya ng apat na kampeonato.
Nagsimula ang career niya sa PBA nang ma-draft siya ng Blackwater noong 2014 bilang 26th overall sa Round 3.
Naglaro si Brian sa University of Cebu noong siya ay kolehiyo, dito ay nakasama niya sina June Mar Fajardo at RR Pogoy.
Malapit siya sa dalawang manlalarong ito maging kay Terrence Romeo na madalas niyang kasama sa pagchi-chill.
Kasosyo rin ni Brian si Fajardo sa kanilang negosyo sa Cebu.
Patuloy na inaalagaan ni Brian ang kanyang career, pursigido sa pag-eensayo para ma-improve pa ang kanyang skills.
Bukod sa team practice ay may individual training pa siyang ginagawa, ito ang karagdagan niyang aktibidad para mas maging mahusay pa siya sa kanyang craft.
Masipag, walang oras para maging tamad.
Patuloy na nagpapalakas, ganyang klase ng dedikasyon at commitment sa craft ang kailangan ng bawat atleta at pagdating kay Brian, walang problema iyan.
Lagi siyang may oras para magpalakas at mag-ensayo! “Araw-araw dapat pilitin mong maging mas magaling,” sey ni Brian sa wikang ingles.
Q&A
Abante: Paano ka ba napasok sa basketball? Bakit basketball iyong pinili mo?
Brian: Bata pa lang ako mahal ko na ang basketball. Anim na taong gulang pa lang ako naglalaro na ako hanggang sa mga oras na ito at sa mga panahong darating mahal ko ang basketball.
Abante: Bukod sa team practice mo? May sarili ka pang training? Personal training mo?
Brian: Palagi ko siya ginagawa pagkatapos ng practice. Kailangan kasi para ma-improve ko pa sarili ko. Lahat ng naglalaro sa PBA magagaling, dapat nasa A game ka palagi, mentally at physically dapat handa ka.
Abante: Sino ba si Brian Heruela outside the court?
Brian: Simpleng tao lang ako, chill chill lang. Ginagawa ko lahat kasi bilang atleta hindi mo masabi puwede ka masaktan o anuman. Mahal ko ang trabaho ko kaya sineseryoso ko.
Source From:https://www.abante.com.ph/pba-cager-brian-heruela-6-anyos-pa-lang-yakap-na-bola.htm