PBA Legends dadayo sa Guam, Australia

4 years ago 0 Comments

Defense minister

Nitong nakalipas na April 24 ay nabigyan ng pambihirang pagkakataon ang inyong lingkod at si Capt. Alvin Patrimonio na magbigqy ng speech sa halos humigit kumulang isang libong katao sa Republic Cement sa Norzagaray, Bulacan.

Ito ay sa pamamagitan ng pag-an­yaya sa amin ni Boss Manny Amante ng Republic Cement na naging kaklase ni Alvin sa Manila Science High School noong araw.

Ang nilalaman ng aking speech ay tungkol sa teamwork at coaching habang ang kay Capt. Alvin naman ay tungkol sa safety.

Ang Republic Cement ay malapit nang umabot sa 5 million safety hours na walang nadidisgraya na manggawa. Kaya paulit-ulit namin binabanggit sa mga manggawa ang kahalagahan ng maingat na pagtatrabaho para sila ay makabalik sa kanilang mga pamilya at kahalagahan ng kalusugan.

Naipakita din sa amin ang bago nilang silo para sa kanilang semento na hindi nagkakaroon ng moisture. Halos ang nagastos sa silo ay uma­bot ng mga US$20 million.

Pagsapit ng Sabado, April 27, ang aking kumpareng Mike Pones na tumatakbong konsehal ngayon sa Cavite City ay na-dengue at nasabayan ng pagpanaw ng kanyang ama.

Ako ay hindi na nag-alinlangan pa na tumulong sa kanilang house to house campaign sa mga depressed area dahil siguradong hindi pa siya malakas para sumabak ulit sa mga tao.

Siguradong makakabalik ulit si Konsehal Mike sa konseho dahil mabuti at matapat siyang tao at maasahan mo kung paninilbihan lang ang pag-uusapan.

Nito namang April 29, sa Villa Rosalinda Resort sa Malolos, Bulacan pansamantalang tumuloy ang mga Agila Legends na sina Jojo Lastimosa, Johnny Abs, Eddie Laure, Alvin Patrimonio at Allan Caidic para mag-resume ng palaro para sa mga Bulakenyos.

Nasa huling yugto na rin ng palaro ang mga Agila Legends ni Mayor Christian Natividad. Lahat na nanalangin na magkaroon ng wastong pagpili ang mga boboto sa darating na eleksyon.

Ang ganda ng plano ni Mayor Christian sa kanyang mga kababayan. Sana ito ay maging isang realidad kung siya ay mahahalal sa dara­ting na Mayo.

Sa mga Pinoy na may kamag-anak sa Australia, pupunta kaming mga PBA Legends diyan sa Sept. 7-14, 2019 sa Canberra, Perth at sa Adelaide.

Bandang July naman nasa Guam ang mga Legends na magpapaunlak ng isang laro.
Ito ay palaro lahat ni ‘The Tank’ Noli Locsin.

Source From:https://www.abante.com.ph/pba-legends-dadayo-sa-guam-australia.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi