Hawak na ng pulisya ang "person of interest" sa pagpatay sa isang 16 anyos na babae sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Col. Bernard Banac, hawak na ng Police Regional Office 7 ang nasabing person of interest, na maaaring siya ring pumatay sa biktima.
Person of interest sa rape slay ng isang dalagita sa Lapu Lapu City, Cebu, hawak na ng Region 7 PNP @DZMMTeleRadyo@ABSCBNNews
— Maria Arra Perez (@arraperezDZMM) March 14, 2019
Iniulat ng mga kaanak ni Christine Lee Silawan noong Linggo sa pulisya ang pagkawala ng dalagita nang hindi ito umuwi matapos magpaalam na magsisilbing kolektor sa misa.
Natagpuan noong umaga ng Lunes sa Sitio Mahayahay, Barangay Bankal ang bangkay ni Silawan, na walang pang-ibabang saplot at binalatan ang mukha hanggang sa makita na ang bungo.
Nabatid din na tinanggalan ng ilang lamanloob ang dalagita at nagtamo ng 30 saksak.
Sa isang talumpati noong Miyerkoles, nagpahayag si Duterte ng galit sa pagpatay kay Silawan.
Naging daan din ang pagpatay kay Silawan para muling ipanawagan ng ilan ang pagbabalik ng death pentalty.