Pia Guanio kinamumuhian ng mga fan ni Alden

3 years ago 0 Comments

Naka-off na ngayon ang comment section sa Instagram ni Pia Guanio. At ang dahilan, siyempre ang galit na galit na reaksiyon ng mga fan ni Alden Richards sa kanya, dahil diumano sa kapabayaan niya, ha!

Sa ‘Miss Millennial’ contest kasi ng “Eat Bulaga” ay nakalimutang banggitin ni Pia ang pangalan ni Alden bilang isa sa mga presentor. Ang kasama nitong negosyanteng lalaki lang ang na-mention ni Pia. Mabuti na lang daw at na-mention ni Paolo Ballesteros sa bandang huli ang pangalan ni Alden.

Para sa mga fan ni Alden, isang pambabastos, pambabalewala ang ginawang ito ni Pia. Na kahit sa dulo man lang daw sana ay hinabol nito ang pagbanggit sa pangalan ni Alden.

Pero, bakit nga ba hindi na-mention ni Pia ang pangalan ni Alden? Wala ba ito sa idiot board? Pero kahit pa, ‘di ba? Malinaw naman na kasama si Alden, kaya galit na galit ang mga fan nito.

At ang inaasahan pa ng mga fan ni Alden, hihingi ng paumanhin si Pia kay Alden, o sa mga supporter nito. Pero sa halip daw na mag-sorry, sinabihan pa raw nito si Alden na sabihin sa mga fan nito na huwag nang magalit sa kanya.

At dahil doon, lalong nagalit ang mga fan ni Alden, ha! Kung ano-anong masasakit na komento ang ibinato nila kay Pia.

Read niyo na lang:

“Ang tone deaf ng post ni Pia Guanio ano?

“A simple statement would have explained what may have been an honest lapse and closed the issue. But instead pinasa pa niya yung responsibilidad kay Alden to diffuse the situation.

“Think before you click, Pia.”

“Ms Pia Guanio, when you make a mistake, whether it’s deliberate or not, you give an apology and an explanation. Not ask the one insulted to clean up your mess.”

“Pinag-host na lng nila sana si Ryzza I’m sure she’s smart enough to adlib and acknowledge the person standing on stage.”

Siyempre, may mga nairita rin sa mga agresibong reaksyon ng mga fan ni Alden. Mga kumampi at umunawa kay Pia.

“So much outrage over a very trivial boo-boo. kala ko ba sikat boi nyo, dapat chill lang and secure sa status. Unless laos talaga hmm? To Ms Pia Guanio, you don’t owe anyone an apology, don’t give in to these brainless anays, never stoop down to their level. Peace out.”

At siyempre, hindi papayag ang mga fan ni Alden na hindi nila magantihan ang kung sino mang nagsalita ng masakit sa kanilang idolo.

“Alden is a gentle person at marami na syang taong tinutulungan and for u to say BAD words about him! sinusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno!”

“Hahahahaha! Laos ba? Hayaan mo na, at least hindi na kailangan pang sabihan ng isa pa, with feelings. 2 weeks wala na sa movie houses.”

Well… (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/pia-guanio-kinamumuhian-ng-mga-fan-ni-alden1.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi