Pinasaya ang mga health worker: Angel Locsin rumampa suot…

3 years ago 0 Comments

Positibo nga si Angel Locsin.

Positibo sa takbo ng utak, at hindi sa COVID-19, ha!

Anyway, sobrang busy nga ni Angel ngayon sa project niya na tulugan para sa mga health workers, na mga tent na air-con, malinis, na itinayo nila sa Taguig, City.

At bukod sa mga tent na `yon, makikita rin ang iba’t ibang gamit pa na ibinigay ni Angel, sa tulong na rin ng mga kaibigan niya.

Inisa-isa ngang pasalamatan ni Angel ang mga kaibigan niyang sina Anne Curtis, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Ryza Cenon, Paulo Avelino, Pocholo Barretto, Arlene Muhlach, pati na sina Ria Atayde at Lorna Tolentino.

Ang cute nga ni Angel sa kung paano niya pinasalamatan ang mga kaibigan niya. Tulad nga ni Vice Ganda, na may pa-mensahe siyang; “Naikama ka na ba ni Vice Ganda? Choz! Salamat Ati Vice sa tulong mo sa mga health workers,” sabi pa ni Angel.

Pero, kahit sobrang busy ni Angel, nagagawa pa rin niyang pasayahin ang mga tao sa paligid niya. Katuwa nga ang ginawa ni Angel na nag-ala-super model siya na rumampa na ang suot ay ang kulay itim na trash bag, ha! Paraan nga ni Angel `yon para pasayahin ang mga kasama niyang nagtatrabaho roon, at siyempre, pati na ng mga health worker natin.

Sabi nga, very resourceful talaga si Angel, na kahit ang plastic ng basura ay nagawa niyang blusa, ha! (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/pinasaya-ang-mga-health-worker-angel-locsin-rumampa-suot-ang-plastik-ng-basura1.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi