Kasama ang isang Pilipina sa 1,000 katao sa United States na yumao dahil sa coronavirus ang nilagay sa front page ng New York Times kahapon.
Sa nasabing llistahan, naroon si Loretta Mendoza Dionisio, 68, mula Los Angeles, at isang cancer survivor na sinilang sa Pilipinas. Sumakabilang-buhay ito noong Marso 11.
Ang naturang front page ay ginawa ng sikat na American media ngayong nalalapit na sa 100,000 (97,087) ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus sa Amerika.
Samantala, ayon kay Philippine Consul General Claro Cristobal, ‘di bababa sa 7 Pinoy na COVID-19 positive ang yumao nitong Abril sa New York City. (SDC)
Source From:https://www.abante.com.ph/pinay-covid-victim-nasa-new-york-times-front-page.htm