Pinay wagi ng P50M sa Dubai raffle

3 years ago 0 Comments

MAGIGING masagana ang Pasko ng isang overseas Filipino worker matapos­ siyang manalo ng US$1 million o higit sa P50 milyon sa Dubai Duty Free Millionaire draw noong Huwebes.

Sinabi ng buntis na si Melody Curtiania, nagtatrabaho sa isang insurance­ company, na pinanalangin niya na manalo sa nasabing raffle.
“Thank you so much Dubai Duty Free, this is an answered prayer,” sabi ni Melody sa lumabas na artikulo sa Gulf News.

“This is a big help for my family here in Dubai and in the Philippines. Thank you also for this early Christmas and birthday gift to me, I will never forget this day,” dagdag pa niya.

Isang Indian national din ang nanalo ng US$1 million pero hindi pa nito alam na nanalo siya sa raffle.

Ang iba pang ipina-raffle ay isang Mercedes Benz S560 na napanalunan ng isang British; isang Range Rover HSE 360PS na nakuha ng isang German at Aprilla Tuono RR motorbike na napagwagian ng isang Indian national.
l.

Source From:https://www.abante.com.ph/pinay-wagi-ng-p50m-sa-dubai-raffle.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi