Ping may nilulutong pasabog kay Duque

4 years ago 0 Comments

MAY nilulutong pasabog si Senador Panfilo Lacson laban kay Health Secretary Francisco Duque na mas malaki kaysa sa kontrobersyal na pagpaparenta ng property ng pamilya sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

“Meron na naman, mas malaki pa. Mas grabe pa di lang ito list ng building niya kundi may family corporation involved na meron na naman kinalaman tungkol sa PhilHealth o tungkol sa DOH mismo.” pagsisiwalat ni Lacson.
Hindi lang ito maisapubliko ng senador dahil sa may hinihintay pa siyang karagdagang dokumento.

“May hinihintay pa akong last document. May hawak akong mga dokumentong, karamihan ng document na dumarating sa amin, galing din sa loob eh. Kasi sa tinagal-tagal ng panahon nakikita nila ang namumuno sa PhilHealth pinaglalaruan ang pera. Ang kwenta nila for the last 5 years lang, P154B ang nalustay. Yan ang kuwento nila.” dagdag pa ni Lacson sa isang programa ng DZBB.

Lahat ng dokumentong makakalap ni Lacson ay isusumite umano niya kay Pangulong Rodrigo Duterte upang siya na ang magpasya kung ano ang gagawin sa kalihim.

“Pag kumpleto na. Sa ngayon substantial. Pero mas maganda ang makarating hanggang logical conclusion,” ani Lacson.

Sa laki ng hala­gang sangkot, posibleng makasuhan umano ng plunder ang mga taong sangkot dito.

“Maliwanag na plunder. Isang dokumento na lang hinihintay ko,” pagsiwalat pa ng senador.

Nauna nang kinuwestiyon ni Lacson ang pananatili ni Duque sa puwesto noong pinagbitiw ni Pangulong Duterte ang mga miyembro ng board ng PhilHealth dahil sa ang DOH secretary ang siyang tumatayong chairman of the board.

Source From:https://www.abante.com.ph/ping-may-nilulutong-pasabog-kay-duque.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi