AMINADO si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na nakaalarma ang presensya ng sinasabing Chinese militia malapit sa Pag-asa Island.
“It is alarming. It is alarming kasi militia nga. Pag sinabi mong Chinese militia, these are armed,” saad ni Lacson.
Kasabay nito, hinimok ng Senador ang ibang opisyal o grupo na huwag nang ipagwagwagan na hindi kakayanin ng bansa na makipagdigma sa China.
“Tapos sabihin nating hindi tayo pwede makipag giyera sa China, isang missile lang tapos na tayo. Kung ganoon din lang, pasabog na tayo, di ba? Those are information that are better kept to ourselves. Huwag mo na i-advertise na di namin kayo kaya labanan,” diin ni Lacson.
Sa panig aniya ng Senado, tangi nilang magagawa ay magsumite ng Sense of the Senate na nananawagan sa administrasyon ng kanilang mga pagpuna.
“Kung may nakikita kaming parang lapses or omissions ‘yan lang kaya naming gawin. Pero anong gagawin namin, anong law ipa-pass namin o anong treaty ira-ratify? In the first place when we ratify a treaty, it always emanates from the executive branch di ba?” paliwanag ng senador.
Source From:https://www.abante.com.ph/ping-naalarma-sa-chinese-militia-sa-pag-asa-island.htm