Piolo Pascual super sweet kay Pops Fernandez

3 years ago 0 Comments

Kapag si Pops Fernandez ang ka-chat namin sa Viber group namin na “Enciaga” ay sobrang aliw lang. Mabilis din kasing “sumakay” si Pops sa mga biruan.

“I am always happy, hehehe… did so many things this morning,” sagot niya dahil maaga nga siyang nagigising.

“Kulang na lang i-paint ko ‘yung house ko. Hahaha… Hindi nga kasi ako lumalabas ng bahay since the lockdown.

“I re-arranged na may furniture… no, joke lang. Hahaha!” sabi ni Pops.

Sa official Facebook page niya na Pops Fernandez (Concert Queen Official Page) mapapanood ang online interview niya kay Piolo Pascual.

Minsan naman, sa Instagram account niya nag-o-online show si Pops dahil, “’Yung ibang mga artista kasi, walang Facebook, kaya sa Instagram ako nagla-live. Pero I will post din naman sa YouTube very soon!”

Siyempre, may pagkakataon din na na-link sa isa’t isa sina Pops at Piolo, kaya balikan ninyo sa official FB page ng Concert Queen ang interview niya sa aktor at malay n’yo, napag-usapan nila ‘yon.

Actually, nabanggit ni Piolo sa interview sa kanya ni Pops na ang assistant pala ng Concert Queen, si Yolly, ang nagsabi sa aktor ng para sa online interview na ‘yon.

“Ayokong ma-hurt, baka kasi humindi. Baka ma-hurt ang pride ko, pero he’s the sweetest, pumayag naman,” sabi ni Pops.

Lea Salonga bet mag-concert na kasama si Regine

Ang bongga naman talaga ng online birthday concert ni Regine Velasquez-Alcasid sa Facebook page ng ABS-CBN at sa YouTube channel ng Kapamilya network noong Saturday night.

For the benefit ng Bantay Bata 163 ‘yon, kaya naman sobrang saya ang Asia’s Songbird na naging very meaningful ang kanyang 50thbirthday dahil doon!

Sabi ng isang taga-ABS-CBN na katsikahan ko habang on-going ang online birthday concert ni Regine, as of that time na magkatsikahan kami ay naka-P3.6 million na raw ang total donation, huh!

Magkano kaya ang pinaka-total, sana ilabas kaagad para malaman kung gaano kabongga ang maitutulong no’n sa Bantay Bata 163!

Habang on-going nga pala ang online birthday concert ni Regine ay katsikahan ko naman sa Viber ang mister niyang si Ogie Alcasid.

Actually, sobrang thankful si Regine sa mister dahil si Ogie nga ang nag-set-up ng musical instruments na ginamit doon (ang bayaw naman ni Regine na si Raul Mitra ang musical director).

Bukod kay Nate, special guest sa online birthday concert ni Regine si Lea Salonga na ni-request daw talaga ng Asia’s Songbird.

Nag-dialogue nga si Lea na sana ay magkasama sila sa concert talaga na nakaayos at naka-gown sila. Tuwang-tuwa naman si Regine sa sinabing ‘yon ni Lea.

Kahapon, almost 11:00AM na nagising si Regine at pinatanong ko kay Ogie kung ano ang masasabi ng kanyang misis sa sinabi ni Lea na sana ay magkasama nga sila sa isang concert?

“Reg said she hope it happens. Siyempre, excited siya tungkol doon,” sabi ni Ogie.

Sana nga ay maka-discover na nga ng vaccine para sa COVID-19 para bumalik na uli sa dati ang pamumuhay natin at puwede na ring mag-concert uli sa malalaking venue para matuloy na nga ang pagsasama nina Regine at Lea, huh!

Source From:https://www.abante.com.ph/piolo-pascual-super-sweet-kay-pops-fernandez.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi