Plunder vs Napoles, Estrada pinababasura

3 years ago 0 Comments

UMAPELA kahapon sa Sandiganbayan si convicted plunderer Janet Lim Napoles na ibasura ang plunder case laban sa kanya at sa kapwa akusadong si dating Sen. Jinggoy Estrada.

Sa 34 pahinang demurrer to evidence, iginiit ni Napoles na nagkakamali ang prosekusyon na tukuyin siya bilang mastermind sa P183 milyong Prio­rity Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Aniya, ang pagiging mastermind ay dapat sa pagitan ni Jinggoy at da­ting chief of staff na si Pauline Labayen dahil kapwa sila public officials.

Argumento ni Napoles sa Supreme Court na ang nagtakda ng Gloria Macapagal-Arroyo vs People of the Philippines and the Sandiganbayan na ang mastemind sa plunder case ay dapat isang public official.

Hindi rin umano plunder ang dapat na ikaso dahil ang hinahabol na halaga ay nasa P45.95 milyon.

Hindi rin umano napatunayan ang kaugnayan ng kanyang mga non-governmental organization sa nawawalang pondo.(Tina Mendoza)

Source From:https://www.abante.com.ph/plunder-vs-napoles-estrada-pinababasura.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi