Porzingis kinasuhan: Injured na, nakapang-rape pa!

4 years ago 0 Comments

NAHAHARAP sa malaking eskandalo ang isang European NBA star matapos lumutang ang balitang nanggahasa ito matapos magka-injury.

Sa report ng New York Post, sentro ng usapan si Dallas Mavericks center Kristaps Porzingis ng Latvia dahil sa pagtuturo ng isang babae na nabiktima umano ng panggagahasa ng 7-foot-3 na manlalaro.

Pebrero ng nakaraang taon umano nangyari ang panghahalay, oras matapos ang ACL (anterior criate ligament) injury ng basketbolista nang naglalaro pa noon sa New York Knicks.

Ayon sa babae, pinagsamantalahan umano siya ni Porzingis, makaraan siyang yayain ng player sa Sky building Midtown West.

Nang siya’y pumayag, dito na umano nangyari ang panghahalay.

Nagkasundo aniya sila ng 23-­anyos na Latvian na magbabayad ito ng US$68,000 para manahimik ang dilag. Pero hindi umano tumupad ang cager.

Batid na ni Mavericks owner Mark Cuban ang imbestigasyon sa bagong kuhang player.

“We have been instructed by ­federal authorities not to comment,” ayon kay Cuban sa email sa The Post. (RMP)

Source From:https://www.abante.com.ph/porzingis-kinasuhan-injured-na-nakapang-rape-pa.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi