Pulis naningil ng utang, pinalo ng bote sa ulo

5 years ago 0 Comments

MALUBHANG nasugatan ang isang kagawad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) makaraang paluin ng bote ng alak sa ulo ng isang cons­truction worker na kaniyang sinisingil sa utang ng misis nito sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya.

Kinilala ni Police Captain Juan Mortel, ng Cri­minal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si PO3 Alexander Padre Acierto, 30-anyos, binata, nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ng NCRPO, at naninirahan sa Blk 5, Lot 15 Samadores, Brgy. Old Balara, QC.

Agad namang nadakip ang suspek na si Canuto Hernani Omamalin, 55, may asawa, at residente ng No. 64 Purok 4-A, Rambulan St., Brgy. Culiat ng nasabing lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni P/SSgt. George Caculba ng CIDU-QCPD, dakong alas-otso kamakalawa nang gabi, kinausap umano ng pulis ang suspek na bayaran na ang utang ng misis nito, subalit nagalit si Omamalin na noon ay lango sa alak.

Sa halip na magba­yad ay dinampot ng suspek ang bote ng fundador na kanyang iniinom at biglang pinalo sa ulo ang pulis.

Nang duguan na ang pulis ay agad itong isinugod ng kanyang kasamang nakilalang si Celso Felipe sa Quezon City General Hospital habang ang suspek ay inaresto ng mga barangay tanod sa pamumuno ni Albert Dunluan. (Dolly Cabreza)

Source From:https://www.abante.com.ph/pulis-naningil-ng-utang-pinalo-ng-bote-sa-ulo.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi