Pulis sapol sa puno, patay

3 years ago 0 Comments

PATAY ang isang pulis nang bumangga ang ­motorsiklo nito sa isang nakatumbang punong kahoy sa ­Alitagtag, Batangas Miyerkoles nang madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si PSSG Rex Catapang, 36-anyos, imbestigador ng Alitagtag Police.

Nasawi ito habang isinusugod sa Martin ­Marasigan District Hospital sa bayan ng Cuenca dahil sa mga ­grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Pabalik na umano sa police station ang pulis ­galing sa pagresponde sa isang kaso nang mangyari ang ­aksidente sa national highway sa Brgy. ­Pinagkurusan ala-1:20.

Aksidenteng bumangga ang motorsiklo nito sa isang binunot na punong Acacia na naiwang ­nakabagsak sa gilid ng highway.

Sa lakas ng pagkasalpok, tumilapon ito mula sa motorsiklo at bumagsak sa sementadong kalsada na siya nitong ikinasawi. (Ronilo Dagos)

Source From:https://www.abante.com.ph/pulis-sapol-sa-puno-patay.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi