Pulubing Pinoy tinodas ng Hawaii police

4 years ago 0 Comments

HONOLULU, HAWAII – Isinailalim sa re-investigation ng Honolulu Prosecutor’s office ang pagpatay ng isang pulis sa isang homeless Pinoy.

Ang biktimang 28-taong gulang na si Delmar Espejo ay napatay ng mga pulis noong Pebrero matapos na umano’y pumalag si Espejo ng aares­tuhin dahil sa pagtambay at pag-inom ng alak sa West Capitol Ground.

Sa unang pahayag ng Hawaii State Department of Public Safety, self defense kaya nabaril ng pulis si Espejo.

Pero iba ang lumabas sa autopsy report sa bangkay ni Espejo na isinapubliko noong nakaraang linggo.

Sa report ng medical examiner binaril ng malapitan sa likod si Espejo.

Ayon kay Attorney Myles Breiner, abogado ng pamilya ni Espejo, imposible ang sinasabi ng mga pulis na sinugod sila ni Espejo dahil may sakit itong polio at hirap tumayo at makalad.

Sinabi rin ni Breiner na batay sa autopsy report, 12 inches lang ang layo ng baril sa likod ni Espejo na sumasalungat sa pahayag ng Public safety office na nabaril ito sa katawan dahil batay daw sa trajectory nagmula ang bala sa ulo ni Espejo pababa.

Umaasa naman ang ina ni Delmar na si Cresencia na tubong Narvacan, Ilocos Norte na makakamit nila ang hustisya para sa kanyang anak. (Dave Llavanes Jr.)

Source From:https://www.abante.com.ph/pulubing-pinoy-tinodas-ng-hawaii-police.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi