Ressa nagdrama sa NAIA arrest

4 years ago 0 Comments

Ikinagulat diumano ni Rappler chief executive officer Maria Ressa nang arestuhin siya ng mga tauhan ng Pasig City Police matapos lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal I ang eroplanong kanyang sinakyan kahapon ng umaga.

“Will they actually arrest me again?! @rapplerdotcom this is insane. Such violations of the Bill of Rights and the PH Constitution,” post ni Ressa sa kanyang social media account matapos komprontahin ng pulisya.

Bitbit ng mga tauhan ng Pasig City Police Warrant and Subpoena Section ang arrest warrant laban kay Ressa na inisyu ni Judge Asaray Pacheco ng Pasig Regional Trial Court Branch 265 dahil sa kasong may kinalaman sa paglabag sa Anti-Dummy Law ng online news site na Rappler.

Sakay si Ressa ng Philippine Airlines flight PR-105 mula sa San Francisco, USA nang abangan ng mga pulis matapos lumapag ang eroplano bandang alas-siyete ng umaga.

Hindi na nakapalag si Ressa at kusa naman itong sumama sa mga awtoridad.

Kalaunan ay nakapagpiyansa rin si Ressa ng halagang P90,000 para sa pansamantala niyang kalayaan.

Pero lumalabas naman na hindi lingid sa kaalaman ng abogado ni Ressa na aarestuhin ito at katunayan ay nakapaghanda na umano sila hinggil dito.

“This latest episode is not surprising and we prepared ourselves for it,” Lim said in a statement. “But let it be crystal clear that these acts of harassment will not deter our clients from doing their duty as journalists,” pahayag ni Lim.

Source From:https://www.abante.com.ph/ressa-nagdrama-sa-naia-arrest.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi