Retiradong pulis patay sa lindol sa Masbate

2 years ago 0 Comments

MAYNILA — Patay ang isang retiradong pulis matapos umanong madaganan ng gumuho niyang bahay sa gitna ng lindol sa bayan ng Cataingan, Masbate nitong umaga ng Martes.

Kinumpirma ni Col. Joriz Cantoria, provincial director ng Masbate police, ang pagpanaw ni retired police Col. Gilbert Sauro.

Gumuho umano ang bahay ni Sauro sa may Sitio Alimango, Barangay Concepcion nang yanigin ang bayan ng magnitude 6.6 na lindol.

Iniulat din ng pulisya na sugatan din ang isang Ronalyn Condrillon, na taga-Barangay Poblacion.

Kasama naman sa mga gusaling nasira ng lindol sa nasabing lalawigan ang tanggapan ng Public Attorney's Office, Cataingan Public market, Cataingan Municipality Police Station, docking area ng Cataingan Port, at mga kalsada.

— Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/08/18/20/retiradong-pulis-patay-sa-lindol-sa-masbate

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi