Rez Cortez sa PDEA: Tutukan doktor, titser sa narco-list

4 years ago 0 Comments

HINIKAYAT ng beteranong aktor na si Rez Cortez ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na maglabas ng listahan ng sangkot sa iligal na droga na kasama ang pangalan ng iba pang propesyunal at hindi lang mga mi­yembro ng showbiz.

“Why single us out? If they insist on releasing the names of the showbiz personalities, they might as well release the names of other professionals like doctors, dentist, teachers, (and) judges (who are) also on their drug watchlist,” giit ni ­Cortez.

Inangalan ng batikang aktor ang banta ng awtoridad na ilabas ang pangalan ng mga artista sa telebisyon at pelikula na gumagamit o nagbebenta ng iligal na droga. Aniya, ikasisira ito ng imahen at reputasyon ng mga artista.

“We are not politicians, we were not ­voted (in) by the people, and we are not public servants,” litanya ng ­dating president ng Movie ­Actors Guild.
Dalawang taon na ang nakararaan, sinabi ni Cortez na binigyan siya ni dating PNP chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa ng listahan na naglalaman ng 57 pangalan ng aktor at aktres na kasama sa narco-list.

Bumaba ito ngayon sa 31 dahil sa pagbabagong-buhay ng ibang nakasama sa listahan. Isa sa sumailalim sa rehabilitasyon ay ang aktor na si Baron Geisler na tinutulu­ngan ng mga kasamahan sa industriya sa pagbabagong buhay.

Binanggit naman ni Senate President ­Vicente ‘Tito’ Sotto III na pabor siyang isapubliko ang listahan ng mga artistang sangkot sa iligal na droga basta’t napatunayan at sinailalim ito sa in-depth verification.

Siniwalat pa niya na sa “Eat Bulaga” kung saan siya dating naging co-host, sumasailalim sa drug test ang mga artist at empleyado ng show.

Nilinaw din niya na kapag sinabing ‘celebrity’, hindi lang ito taga-showbiz kundi kasama na ang mga basketball player at iba pang sikat na personalidad.

Tiniyak naman ni PDEA Director General Aaron Aquino sa 31 showbiz personalities na hindi niya ito ipapahiya sa publiko.

Kung siya lang umano ang tatanungin, hindi siya pabor na isapubliko ito pero kung uutusan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte ay wala siyang magagawa.

“Sinabi ko na ito na hindi talaga ako pabor na pangalanan sila (celebrities) pero kung iuutos ni Presidente na i-release ko ang pangalan nila, susundin ko pero dapat kumpirmado na kami at sumailalim na sa masusing balidasyon. Hindi naman kami basta na lamang maglalabas ng pangalan para ipahiya sila,” pagtiyak ni Aquino. (Lorraine Gamo/Dolly Cabreza/PNA)

Source From:https://www.abante.com.ph/rez-cortez-sa-pdea-tutukan-doktor-titser-sa-narco-list.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi