Robin 18 araw nang nasa ospital

3 years ago 0 Comments

Labing-walong araw na ngang nasa ospital si Robin Padilla, ayon sa kanyang asawang si Mariel Padilla. Pinost ni Mariel sa kanyang Instagram wall ang ilang larawan nilang dalawa ni Robin, na naka-hospital robe pa ang huli.

Ayon sa post ni Mariel, nagpapasalamat at natutuwa siyang makita ang mister niya matapos ang 18 araw. Ngayon lang daw pinayagan si Mariel ni Robin na dalawin siya, sa takot ng huli na baka kapitan ito ng anumang virus at mailipat ito sa kanilang mga anak.

Naiinip na si Mariel sa matagal na pagkakaospital ng asawa, kaya sa pinakahuling araw ng dalaw niya, inaasahan niyang makakalabas na ito. (Rey Pumaloy)

Source From:https://www.abante.com.ph/robin-18-araw-nang-nasa-ospital.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi