Robredo lamang sa PET recount — Macalintal

5 years ago 0 Comments

IGINIIT ni Romulo Macalintal, legal counsel ni Vice President Leni Robredo sa election protest na isinampa ng kampo ni Bongbong Marcos, na halos tapos na ang isinagawang­ recount ng Presidential Electoral­ Tribunal.

“Katatapos pa lang ng recount at nakita naman sa manifestations namin na lumalamang pa nga kami,” pahayag ni Macalintal sa pahayag na nalimbag sa website na Abogado.

“Pangalawa, wala namang desisyon ang PET na pinapanigan si Marcos ukol sa tatlong pilot pro­vinces na pinili niya,” aniya.

Ipinahayag ni Macalintal na wala nang saysay ang protesta ni Marcos bunsod na rin ng kabiguan ng kampo nito na makakuha ng bilang ng boto sa pinili niyang lalawigan na gamitin sa recount.

Ang pahayag ni Macalintal ay bilang sagot sa mga isyu na pilit na isinusubo ng kampo ni Marcos sa social media.
“They are sending out another propaganda in a desperate move to revive his dying election protest,” sambit ni Macalintal.

Isinantabi ni Macalintal ang mga post sa Facebook ng pro-Marcos groups na nagpapahayag na 80 porsiyento umano ng balota sa ARMM ay peke at pre-shaded.

Sinabi ni Macalintal na ang recount sa mga pilot province na iti­nuro ni Marcos sa kanyang protesta — Iloilo Province, Negros Oriental at Camarines Sur — ay halos tapos na ay batay sa paunang resulta ay walang nabago sa boto ni VP Robredo.

Inulit ni Macalintal na kaila­ngan munang makakuha ng kampo­ ni Marcos nang sapat na bilang ng mga boto sa tatlong lalawigang nabanggit bago katigan ang kanyang protesta para sa iba pang lugar tulad ng ARMM.

Source From:https://www.abante.com.ph/robredo-lamang-sa-pet-recount-macalintal.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi