Ruru nadaplisan ng barbel sa mukha

4 years ago 0 Comments

Nag-alala kami nang makatanggap kami ng tawag mula sa isang kamag-anak ni Ruru Madrid na nabagsakan daw ito ng barbel sa mukha habang nagdyi-gym sa Marikina.

Agad kaming tumawag at inalam ang pangyayari. Hindi naman pala grabe at naiiwas din ni Ruru sa kanyang ilong ang mabigat na bakal at nagkaroon ng minor sugat sa mukha.

Agad din naman siyang pumunta sa Belo Medical Clinic para mabigyan ng unang lunas. Kaya kung nakita ninyo ang latest post ni Ruru ay may maliit na plaster ito para takpan ang sugat na tinamaan ng barbel.

Kinabukasan kasama si Ruru at ang handler niyang si Gerard ay bumiyahe kami pa-Tacloban, Leyte at 2 oras bumiyahe by land patungong Ormoc, Leyte kung saan may birthday celebration si Mayor Richard Gomez.

Hindi namin nakausap si Goma sa dami ng tao at umalis agad siya sa venue dahil may campaign sortie siya sa isang barangay.

Back to Ruru, mainit siyang tinanggap ng mga taga-Ormoc kahit kailan lang ay nandu’n siya para maging pa­nauhin ng isang bagong bukas na mini mall. Hindi magkamayaw ang mga taong nasa venue at maski sa holding room na tinitigilan ng grupo ay panay ang pasok ng mga tao para magpa-picture.

Mabuti na lang at walang kaarte-arte si Ruru na pinagbibigyan ang lahat ng mga fan kahit kumakain ito. Pagbalik ng Manila ay diretso agad si Ruru sa last two taping days ng “TODA One I Love” sa Pampanga.

Jeric Gonzales isinugod sa ospital

Pagbalik ko naman ng Manila ay nakatanggap naman ako ng text mula sa isa ko pang alaga na si Jeric Gonzales na sumakit daw nang matindi ang kanyang tiyan na kinailangan siyang isugod sa hospital.

Mabuti na lang at may kalapit na ospital na isang Adventist hospital na noon ay Manila Sanita­rium at once upon a time ay na-confine na rin kami doon noong sa Pasay City kami nakatira.

Mabuti na lang at okay na siya matapos bigyan ng paunang lunas at oobserbahan pa raw siya. Bakit sabay-sabay nangyayari ito? Mag-ingat at sobra ang init ng panahon. Mahirap magkasakit.

Vilma, mga kapatid nag-reunion sa burol ng ina

Masakit man kay Ate Vi ang pagkamatay ng ina na gumabay sa kanya at a very young age na nagsimula siya bilang artista ay nagkaroon naman ng reunion ang pamilya niya nang umuwi lahat ng mga kapatid niya mula sa Amerika kung saan naninirahan sila.

Ilang taon ding nagkaroon ng dementia at Alzheimer’s si Mama Santos bago ito bawian ng buhay sa edad na 93. Okay na rin para kay Ate Vi at makakapagpahinga na ang kanyang buti­hing ina na nakilala namin nang mag-shooting sina Vilma at Christopher de Leon sa New York noong taong 1979. Mula noon ay inaasikaso kami ni Mama Santos sa tuwing kami ay nagbabakasyon dito sa Pilipinas.

Ano pa nga ba ang mahihiling ng isang Vilma Santos na very successful sa mo­vies and politics na hanggang ngayon sa edad na 65 ay namamayagpag pa? Naipakita niya sa mga kababayan natin ang pagiging successful hindi lang sa showbiz kundi sa politics na madalas binabatikos dahil inaakusahan na ang asawa ang nagpapatakbo ng kanyang pagiging politiko.

Minahal siya ng mga taga-Batangas na saksi sa maganda niyang track record. Kaya nakikita ko na tuloy-tuloy na ‘yan sa pagiging national official ng bansa.

Source From:https://www.abante.com.ph/ruru-nadaplisan-ng-barbel-sa-mukha.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi