Sablay sa cash aid kakasuhan – DILG

3 years ago 0 Comments

Maaaring kasuhan ang mga lokal na opisyal na naging palpak sa distribusyon ng cash aid mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

“Of course may accountability ang public officials, may MOA nga sila. But of course we will take this on a case to case basis kasi kailangan muna nating malaman kung ano ang dahilan ng pagkaantala,” ayon kay DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya.

“Baka naman beyond their control at pagganon, we have to give them due process. Pero ‘pag may lumalabas na kapabayaan, hindi talaga nila inasikaso ng maayos, posible talaga silang maharap sa mga administratibo at kriminal na kaso,” dagdag ng opisyal sa interview sa Unang Balita.

Nitong Abril 30 ang deadline ng pamamahagi sa unang tranche ng SAP pero marami sa mga LGU na inatasan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang hindi nakatapos sa pamamahagi ng cash aid.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang Region 5 lamang ang nakakumpleto ng pamamahagi ng ayuda ng gobyerno, habang sa Metro Manila ay nasa 70 percent pa lamang ang nabibigyan.

“Titingnan natin kung bakit hindi sila nakapag-distribute,” ayon sa kalihim.

Tinatayang 18 milyong mahihirap na pamilya ang target ng gobyerno na mabigyan ng P5,000 hanggang P8,000. Ang ikalawang tranche ng cash aid ay ipamumudmod sa ikalawang linggo ng Mayo.

Source From:https://www.abante.com.ph/sablay-sa-cash-aid-kakasuhan-dilg.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi