Sabwatan ng mga power plant tatalupan ng PCC

4 years ago 0 Comments

NAGBABABALA ang Philippine Competition Commission sa mga power generation companies na maaaring makulong ng hanggang pitong taon ang kanilang mga opisyal at maaaring magmulta ang mga kompanya ng hanggang P250 milyon kung sila ay nagsasabwatan kaya’t nagka­brown out at nagmahal ang kuryente kamakailan.

“The Philippine Competition Commission (PCC) looks into allegations of collusion or abuse of dominance amid a series of shutdowns among power plants that may have contributed to price increase in the retail electricity market,” sabi ng PCC kahapon.

Nagkaroon ng rotating brownouts sa Luzon nitong Abril dahil pumalya ang ibang mga planta habang naka schedule nang shutdown ang iba para sa maintenance.

Humantong sa yellow at red alert ang suplay ng kuryente sa Luzon grid dahil numipis ang reserbang kuryente at tuluyan pang nagkulang.

Sabi ng PCC, susuriin nito kung diniskartehan ang pagkakasabay sabay ng mga outages ng mga planta para magmahal ang kuryente
Mandato ng PCC na isulong ang patas na labanan sa merkado at awatin ang pagsasabwatan ng mga kompanya sa isang industriya para sa kapakanan ng mga consumer.

Ikinagagalak ng PCC ang pahayag ng ilan para suriin o i-audit ng Department of Energy (DOE) ang mga planta.

Bagama’t sa PCC ang may jurisdiction sa isyu ng competition, kiniklala naman nito na ang DOE ang may technical expertise sa sektor at ang Energy Regulatory Commission ang regulator dito. (Eileen Mencias)

Source From:https://www.abante.com.ph/sabwatan-ng-mga-power-plant-tatalupan-ng-pcc.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi