Salesman tinawag na buang si Digong, inaresto

3 years ago 0 Comments

Tiklo ang 41-anyos na lalaki sa Agusan del Norte dahil sa post diumano nito sa Facebook hinggil sa pagtawag niyang ‘buang’ kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kulong si Reynaldo Orcullo, salesman, na naninirahan sa Brgy. Triangulo, Nasipit, dahil sa umano’y libelous niyang pahayag sa kanyang social media account.

“ALAM NA PATTERN, MOSALIDA SI GO KONUHAY SIYA MOHANGYO SA BUANG NGA PANGULO, DIGONG G***. BUANG SI DIGONG,” sabi umano ni Orcullo sa Facebook.

Alas-tres Miyerkoles ng hapon nang aretuhin si Orcullo sa kanyang tahanan dahil umano sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nagpaalala naman ang kapulisan sa mga netizen na maging responsable at siguruhing walang nilalabag na batas sa pagpo-post sa online.

Source From:https://www.abante.com.ph/salesman-tinawag-na-buang-si-digong-inaresto.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi