Sarah, Angel, Marian, Bea, Kathryn mga tunay na reyna ng…

3 years ago 0 Comments

Kamakailan ay inilabas namin ang mga aktor na bumongga ang career sa loob ng nakalipas na isang dekada, mula 2009 hanggang 2019. At ngayon naman, sino-sino nga ba sa mga artistang babae ang hanggang ngayon ay may asim pa rin?

Heto nga sila…

CRISTINE REYES

Taong 2009 nang maging paboritong leading lady ang nakababatang kapatid ni Ara Mina na si Cristine Reyes. Produkto ng original batch ng reality artista-search na “StarStruck” si Cristine hanggang sa lisanin nito ang GMA-7 para lumipat sa ABS-CBN 2. Bumida naman si Cristine sa ilang mga teleserye tulad ng “Eva Fonda”, “Your Song: Babalik Kang Muli”, “Precious Heart Romances: My Cheating Heart”, “Kristine”, “Reputasyon” at “Dahil sa Pag-ibig”.

Naging leading lady pa siya ni Vic Sotto sa pelikulang “Ang Darling Kong Aswang” at natambal din siya kay Richard Gutierrez sa horror film na “Patient X”.

Nitong 2019, medyo humina sa radar si Cristine dahil sa mga pangyayari sa buhay niya. Kinasal pero nahiwalay na si Cristine sa kanyang mister na si Ali Khatibi kung kanino meron siyang isang anak. Ang naging solo starrer niya na “Maria” ay hindi masyadong tinangkilik sa sinehan.

BEA ALONZO

Bongga ang career ni Bea Alonzo ten years ago at maituturing nga siyang Drama Princess ng ABS-CBN 2. Sa TV ay nagbida siya sa Pinoy version ng “Ugly Betty” na “I Love Betty La Fea” at sa movies naman ay box-office hit ang mga pinagbidahan niyang “And I Love You So” and “Miss You Like Crazy”.

Ito rin ang taon na nanalo siya ng best actress awards para sa pelikula nila ni John Lloyd Cruz na “One More Chance”.

Fast forward to 2019, isa pa rin sa drama royalties ng Kapamilya network si Bea. Big hit ang pelikula niya with Richard Gutierrez na “Unbreakable” at naging sobrang controversial ang love life niya dahil sa ginawang paggu-ghosting sa kanya ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

SHARON CUNETA

Ang taong 2009 ay naging experimental para kay Megastar Sharon Cuneta. Gumawa siya ng hit comedy film opposite Ai Ai delas Alas na “BFF: Best Friends Forever” at ginawa niya ang unang pelikula niya sa ilalim ng Regal Films na “Mano Po 6: A Mother’s Love” kunsaan nagwagi siya bilang best actress sa 2009 Metro Manila Film Festival.

Tumanggap din ng magkakasunod na awards si Sharon para sa pelikulang “Caregiver”. Namayagpag pa ng isa pang taon ang kanyang musical variety show na “Sharon” hanggang sa mapalitan ito ng “Star Power: Sharon’s Search for the Next Female Superstar”. Ilang taon pa ang dumaan ay lumipat sa TV5 si Sharon. Ngayong 2019, wala pa ring kupas ang ningning ng pagiging Megastar ni Sharon. Bumalik na siya sa ABS-CBN 2 at naging mentor sa “The Voice Kids”, “The Voice Teens” at “Your Face Sounds Familiar Kids”. Naging huge success naman ang ginawa niyang concert tour para sa kanyang 40th year in showbiz.

KIM CHIU

Masasabing breakthrough year ni Kim Chiu ang 2009 dahil sa ginawa niyang teleserye na “Tayong Dalawa”. Nakamit ni Kim ang magkasunod na best actress awards mula sa USTv at NSUU TV Awards. Ito rin ang taon na unang gumanap na kontrabida si Kim sa pelikulang “I Love You Goodbye”. Karelasyon ni Kim sa taong ito si Gerald Anderson hanggang sa naghiwalay na sila the following year.

Fast track to 2019, medyo hindi na kasing aktibo sa TV at pelikula. Two years din siyang hindi gumawa ng bagong teleserye at one year siyang hindi nakagawa ng pelikula. Ang huli niyang movie na “One Great Love” ay nagpanalo sa kanya ng best actress sa Metro Manila Film Festival. Pero bongga naman ang love life ni Kim dahil matibay ang relasyon nila ni Xian Lim.

ANGELICA PANGANIBAN

Love life ang naging usap-usapan kay Angelica Panganiban noon pa mang 2009. Si Derek Ramsay ang kanyang karelasyon noon hanggang sa maghiwalay rin sila. Pero naging productive naman ang acting career ni Angelica dahil sa pagbida niya sa teleserye na “Rubi” kunsaan nanalo siya ng best actress award sa USTv Student’s Choice Awards.

Pinakita rin ni Angelica ang kanyang pagiging mahusay na komedyante via “Banana Split” kunsaan nanalo siya ng best comedy actress award sa Star Awards. Ten years after, controversial pa rin si Angelica. Nagkaroon sila ng falling out ng ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino pagkatapos nilang magtambal ulit sa pelikulang “Exes Baggage”. Naging emotera ngayong 2019 si Angelica dahil sa kanyang mga hugot post sa social media na kinaaaliwan ng maraming netizen. Nakasama rin si Angelica sa pelikulang “Unbreakable”.

ANGEL LOCSIN

Naging in-demand actress si Angel Locsin noong 2009. Bukod sa kanyang mga naging TV shows na “Lobo”, “Only You” at “Imortal”, ginawa rin niya ang mga pelikulang “Love Me Again” with Piolo Pascual, “In The Name of Love” with Aga Muhlach, “Unofficially Yours” with John Lloyd Cruz and “One More Try” with Dingdong Dantes. Nitong 2019, in-demand pa rin si Angel at huli siyang napanood sa teleserye na “The General’s Daughter”, pero mas tutok siya sa charity work tulad ng ginawa niya sa mga nangangailangan ng tulong sa Mindanao. Na-engage rin ngayong 2019 si Angel sa boyfriend nitong si Neil Arce.

MARIAN RIVERA

Pagkatapos magbida sa “Marimar” at “Dysebel”, niluklok sa pagiging primetime queen ng GMA-7 si Marian Rivera noong 2009. Sa taong ito ay ginawa nila ni Dingdong Dantes ang third team-up nila sa TV na “Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang”. Sa taong din ito ay napili si Marian na gumanap bilang ang Pinay superheroine na si Darna. Kasabay din ang paggawa niya ng sitcom na “Show Me Da Manny”. Taong 2019 ay isinilang ni Marian ang ikalawang anak nila ni Dingdong na si Sixto. Matagal ding hindi nakagawa ng bagong teleserye si Marian kaya sa 2020 ay makakasama ni Gabby Concepcion sa isang rom-com teleserye.

KC CONCEPCION

Aktibo sa kanyang showbiz career noong 2009 si KC Concepcion. Ginawa niya ang pelikulang “When I Met U” with Richard Gutierrez at teleserye na “Lovers In Paris” with Piolo Pascual. Ni-launch din ni KC ang debut album niya na a.k.a. Cassandra and following year ay sumunod ang second album niya na KC.

Fast forward to 2019, hindi na gaanong aktibo sa kanyang showbiz career si KC dahil mas nakatutok ito sa kanyang jewelry business. Nabalita rin sa taong ito ang pakikipaghiwalay ni KC sa kanyang French boyfriend na si Pierre Plassart. Pero mabenta pa rin hanggang ngayon sa mga commercial si KC.

SARAH GERONIMO

Banner year ni Sarah Geronimo ang 2009 dahil big hit ulit ang second team-up nila ni John Lloyd Cruz na “You Changed My Life”. Sunod nito ay ang US concert tour ni Sarah na “The Next One”. Nabigyan ng opportunity si Sarah na awitin ang 1986 People Power anthem na “Magkaisa” sa burol ni former Philippine President Corazon Aquino. Ni-release din ang unang Christmas album ni Sarah titled “Your Christmas Girl” in October 2009. In November 2009, muling nagkaroon ng solo sold-out concert si Sarah titled “Record Breaker” sa Araneta Coliseum. Ten years after, napanatili ni Sarah ang kanyang popularity at patunay ang pagbida niya sa hit movie na “Unforgettable”. This year din in-announce officially ni Sarah at ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli na isang taon na silang engaged.

KATHRYN BERNARDO

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi