Sarah gusto nang ‘iuwi sa bahay’ si Matteo

4 years ago 0 Comments

“Love, iuwi na lang kita, please. Huwag na tayo dito.”

Ganyan ang sinabi ni Pop Princess Sarah Geronimo sa kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli.

Matatandaang pumasok sa Army Reserve Command noong April ang aktor para ipakita ang pagmamahal sa bansa.

Katatapos lamang ni Matteo sa pagsasanay bilang scout ranger reservist sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan kamakailan.

Kinuwento ng aktor sa “Magandang Buhay” kamakailan ang eksena sa minsang pagbisita ng kanyang girlfriend na si Sarah G habang siya ay nasa Camp Tecson para nga sa training.

Ipinakita, aniya, ni Guidicelli kay Sarah ang espasyo ng kanyang tinutulugan sa sahig. Doon daw naawa sa kanya ang girlfriend at sinabi nga na iuuwi na lang siya nito.

Gayunpaman, suportado pa rin ni Sarah ang hangad ni Matteo na ipagpatuloy ang kanyang pagsasanay bilang army.

“I asked her permission. Sinabi ko I will be responsible, I will be safe,” sabi pa ni Matteo.

How sweet, ‘di ba? Sino ba naman ang hindi matutunaw ang puso sa kuwentong ibinahagi ni Matteo. (Athena Yap)

Source From:https://www.abante.com.ph/sarah-gusto-nang-iuwi-sa-bahay-si-matteo.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi