Sigaw ng netizen: NTC ‘di patas ang trato sa ABS-CBN

3 years ago 0 Comments

Marami ang matindi ang galit ngayon sa National Telecommunications Commission (NTC) matapos nitong ipasara ang ABS-CBN dahil sa expiration ng prangkisa nito, gayong ilang beses na raw pinayagan ng NTC noon ang ibang kompanyang paso na rin ang franchise na makapag-operate pa rin.

“Unfair ang NTC! Ano namimili lang ng papaboran? Yung GMA, Smart, CBCP, PTTC, lahat ‘yan paso na prangkisa pero nakapag-operate pa rin! Tapos ngayong ABS-CBN na ang expired ang franchise ipapasara niyo,” sabi ni Facebook user Reyboy Allan Quilicol.

“Wow naman, nasaan ang hustisya at patas na batas? Dati pang ginagawa ng NTC na pinapag-operate pa rin ang kompanya kahit paso na franchise. Natakot lang ‘yan kay SolGen,” tweet naman ni @gilperez365.

Matatandaan na nangako si NTC commissioner Gamaliel Cordoba na bibigyan nila ng provisional authority (PA) ang ABS-CBN para makapag-operate hanggang June 2022. Ngunit nabago ang lahat nang biglang bantaan ni Solicitor General Jose Calida ang NTC commissioners na pwede silang sampahan ng kaso kung ituloy nila ang pagbigay ng PA sa ABS-CBN.

Sigaw tuloy ng marami, ano nang nangyari sa pangako ni Cordoba? Dahil lang ba sa pananakot ni SolGen Calida, tumiklop na siya? Akala raw nila no one is above the law, eh parang si Calida na raw ang batas ngayon?

“Anyare dun sa sinabi nilang they will allow ABS-CBN to operate hanggang June 2022? Tapos ngayon sinabay pa talaga sa ECQ. ‘Di na hinintay matapos ‘tong pandemic na to,” hinaing ng netizen na si Jovilyn Lorenzana.

“‘Wag niyo gawing tanga ang mga tao, maawa kayo sa mga nawalan ng trabaho. Kung gusto may paraan. ‘Wag sa ngayon na may kinakaharap na crisis ang bansa natin,” komento naman ni Facebook user Miyuki De Lara.

Ano na nga kaya ang kinabukasan ng ABS-CBN at ng kanilang 11,000 na mga empleyado? Mabigyan kaya ng totoong paliwanag ang publiko ukol sa hakbang na ito ng NTC? Hay, ang daming tanong. Pero sana masagot ito para sa ikabubuti ng ating mga kababayan.

Source From:https://www.abante.com.ph/sigaw-ng-netizen-ntc-di-patas-ang-trato-sa-abs-cbn.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi