Sikat na celeb suki ng mga drug dealer

5 years ago 0 Comments

Patuloy na pinalalakas ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kaso laban sa isang sikat na male celebrity makaraang matukoy na suki rin ito ng tatlo pang ma­laking supplier ng mga party drug na kanilang nahuli maliban sa napatay na si John Steve Pasion.

Sa isang interview sa DZBB, sinabi ni PDEA Director Aaron Aquino na binabantayan na nila ang bawat kilos at aktibidad ng hindi pinangalanang sikat na artista na kila­lang parokyano ng mga party drug partikular ang ecstasy base sa palitan ng mga text message nito at ni Pasion.

Gayunman, aminado si Aquino na hindi sapat na ebidensya ang nasabing mga text message para kasuhan ang nasabing male celebrity.

Nauna nang sinabi ni Aquino na isang sikat na lalaki at babaeng celebrity ang kumukuha ng droga kay Pasion.
“Marami tayong namonitor pero ‘yung na-confirm talaga natin based on text messa­ges we extracted from his (Pasion) cellphone, dalawang artista. Itong isang celebrity na ito e bumibili ng drugs sa kanya. Ang last nabili niya is about 200 pieces ng ecstasy,” ayon kay Aquino.

Nakuha ng PDEA ang cellphone ni Pasion nang manlaban ito at mapatay ng mga awto­ridad habang aarestuhin sa bisa ng arrest warrant sa kanyang condo unit sa Amaia Skies Condominium sa Tomas Mapua St., kanto ng Dorotero St. sa Maynila noong Marso 11.

Sa nakuhang cellphone ni Pasion ay may mga ‘selfie’ na nakita ang mga awtoridad na nagpapakita ng kanyang larawan na may mga ecs­tasy tablet na inangkat pa mula sa Netherlands.

Nakita rin ang mga picture ng nasabing mga artista. “Sa cellphone na ito, nakita na­ming ‘yung litrato nila, these mga celebrity,” sabi ng opisyal

Tatlong beses na umanong lumabas ang pangalan ng nasabing sikat na celeb sa mga nahuli nilang bigtime drug trader.
“So far, sa mga nahuli naming sa bigtime drug traders para lumabas na ‘yung pa­ngalan niya three times already,” diin pa ng PDEA chief.

Nauna rito, sinalakay rin ng PDEA noong Pebrero 8 ang isang condo sa Tomas Morato Avenue at Barangay Kristong Hari sa Quezon City kung saan naaresto ang part-time model na si Billy Joe Kakilala at Ronnie M. Toribio. Nadakip din ang event organizer na si Abby Forteza Oban.

Ang tatlo ay sinasabing mga party drug dealer sa Metro Manila. Dito inamin ni Toribio na si Pasion ang kanyang supplier.

Habang sinusulat ang balitang ito ay tikom pa rin ang PDEA sa pagkakakilanlan ng celebrity bagama’t may mga hint o clue sila kaugnay sa career status at mga current project nito.

“Malaki ito. You can see him eve­ry day,” pagtatapos ng opisyal.
Aniya, posibleng alam ng mga celebrity na sila ang minamanmanan ngayon ng PDEA kaya malaki ang posibilidad na magi­ging maingat muna ang mga ito sa kanilang mga ikinikilos at magpapalamig muna pero tiyak niyang magiging aktibo pa rin ang mga ito sa kanilang mga show upang hindi mahalata ng publiko.

Kasabay nito, inaalam na rin ng PDEA ang posibleng koneksyon ni Pasion sa ‘Igot Drug Syndicate’ na pinamumunuan ng isang Rustico Igot na nakapiit umano sa New Bilibid Prison, kung saan ay sa Cebu nag-o-operate umano ang mga gala­may nito dahil ilang beses na ring lumutang ang pangalan ng napatay na drug dealer sa nabanggit na sindikato sa mga nakaraan nilang ope­rasyon.

Source From:https://www.abante.com.ph/sikat-na-celeb-suki-ng-mga-drug-dealer.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi