Sikat na love team nagkulong sa van, nagmaldita sa mga fan

3 years ago 0 Comments

Halos isumpa na ng isang talent manager ang kilalang love team na ito dahil sa “attitude problem.” Talagang basta ito raw ang naibu-book niya, hindi siya sumasama sa event.

Sa tagal na nga naman niyang nagbu-book ng mga artista sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, mas ‘di hamak na may malalaki pang artista kumpara sa love team na ito, ibang klase raw ang dalawa na parang utang na loob mong malaki kapag nagpa-picture sa mga ito.

Kahit daw mga fan ng mga ito na galing pa sa ibang lugar, hindi rin daw hinarap. May clue halos na binigay, chaka naman daw si girl at kahit may makeup artist, hindi nagawan ng magic. Pero feeling maganda raw. Si boylet naman, lagi raw nakasimangot, pati ang tatay na akala mo raw mga rich, huh!

Kuwento pa nu’ng sumama raw sa love team sa raket, “Hindi rin pala bumaba ng van. Hindi kumain sa pinahandang buffet dinner. Nagkulong lang sa van ang dalawa. Pilit itinago ng kasama nilang R.M. (road manager), Kaloka, ‘di ba?”

‘Yun na!

Aktres 1 buwang magsyusyuting sa US

Sabi nga ni Heart Evangelista, “ang saya, may narating ang kaartehan ko!,” nang tanungin namin kung ano ang pakiramdam niya na ‘yung pagiging artistic niya, talagang nama-maximize naman niya.

Hindi na lang kasi siya nagpi­pinta sa mga canvass, nauna na ang pagpe-paint niya ng mga mamaha­ling bags at for some time now, ‘yung mga paintings niya ay design na ng mga Kamiseta dresses at Kamiseta items. Ni-launch na rin si Heart formally bilang Creative Director ng LmxKamiseta.

Sobrang busy ni Heart ngayon, hindi sa paggawa ng teleserye dahil tahasan na nitong sinabi na kung this year rin lang, talagang wala siyang gagawing serye sa Kapuso network, to which, very thankful si Heart sa network niya dahil sob­rang understanding at supportive raw sa kanya.

More on international projects ang pinagkakaabalahan ni Heart tulad nga ng still, unnamed project niya na ginawa sa China, though again, itinanggi ni Heart na sequel ng “Crazy Rich Asians.” Sa Holy Week ay babalik na naman siya sa China for a different project daw. Then, sa April ay buong buwan siyang mawawala dahil pupunta siya ng America at may gagawin naman siyang iba pang international movie.

“Grabe nga, hindi nga ako makapaniwala na at 34, nagdati­ngan… ang galing,” nakangiti niyang sabi niya.

Panahon ng kampanya ngayon kunsaan, ang mister na si Chiz Escudero ay tumatakbo bilang Governor ng Sorsogon. Aminado si Heart na hindi siya nakakasama sa kampanya all the time dahil na rin sa mga proyekto niya in and outside the country.

“It’s okay because you know, my husband and I, we’re very suppor­tive with each other, ayaw rin naman niya na kailangan ‘yung asawa niya nandoon. He also respects that.
“But of course, pumupunta naman talaga ko sa Sorsogon. Actually, next week, pupunta kamin ro’n.”

Source From:https://www.abante.com.ph/sikat-na-love-team-nagkulong-sa-van-nagmaldita-sa-mga-fan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi