Singil sa kuryente bagsak ngayong Mayo

3 years ago 0 Comments

Bababa ang singil sa kuryente ngayong Mayo ng 24.83 sentimos per kilowatt hour na ang katumbas ay P50 na bawas sa monthly bill ng mga tahanang kumokonsumo ng 200kWh. Ayon sa Meralco, ang pagbaba ng singil ay dahil sa pagbaba ng generation charge bunsod ng huminang demand sa kuryente dala ng lockdown na ipinatupad.

Sabi ng Meralco, nakatipid ito ng P877 million para sa mga consumers mula sa generation charge nitong Mayo ng ginamit nitong dahilan ang lockdown o enhanced community quarantine para hindi singilin ng mga power supply agreements ang nakasaad sa kanilang mga kontrata pati na ang hindi nakonsumong kuryente.

Ayon sa Meralco, halos P1 per kWh na ang nabawas sa singil sa kuryente ngayong taon.

Nasa P8.7468 per kWh na lamang ang singil sa kuryente at mas mababa pa ito kaysa sa P10.2866 per kWh na presyo noong May 2019.

Ang ginawa ng Meralco na pag-invoke ng Force Majeure na probisyon ng kontrata sa mga PSA ay ginawa rin nito noong Abril kung kaya’t nakatipid din ng P129 milyon ang Meralco.

Bukod sa bumaba ang bayarin sa mga PSA, bumaba din ang kuryente sa mga independent power producers. Sabi ng Meralco, tumaas naman ang singil sa Wholesale Electricity Spot Market ng P1.8502 per kWh ngunit kulang pa sa 2% ang kinukuhang kuryente dito.

Sabi ng Meralco, binuksan na nito ang ilan nitong mga branches noong May 7 para maserbisyohan ang mga customers nito. Paalala nito sa mga may transaksyon sa branches nito, parating magsuot ng face mask dahil may no-mask, no-entry rule ito. Kailangan ding mag observe ng social distancing at kukuhanan din sila ng temperature bago payagang pumasok sa loob ng tanggapan. (Eileen Mencias)

Source From:https://www.abante.com.ph/singil-sa-kuryente-bagsak-ngayong-mayo.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi