Singil sa kuryente tataas

3 years ago 0 Comments

MAGMAMAHAL ng P6 ang bill sa kuryente ngayong buwan sa mga tahanan dahil sa pagtaas ng generation charge.

Ayon sa Manila Electric Company (Meralco) kahapon, tataas ang singil sa kuryente ng P0.0278 per kWh sa P8.891 per kWh ngayong buwan mula sa P8.8623 per kWh noong Pebrero na katumbas ng P6 sa bill ng mga typical na bahay na ang konsumo ay nasa 200 kWh sa isang buwan.

Ayon sa Meralco, nagmahal ang generation charge sa P4.6632 per kWh ngayong buwan mula sa P4.5090 per kWh noong Pebrero dahil nagmahal ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market ng P1.0479 per kWh dahil sa outage ng ilang planta kaya naipit ang suplay ng kuryente sa Luzon grid na nagpataas ng presyo nito.

Sabi ng Meralco, lumiit ang increase sa sisingilin dahil may mga ire-refund sa consumer tulad ng overrecoveries sa pass through charges at ang one-time adjustment sa universal charge-NPC stranded contract costs. Ang ire-refund na overrecovery ay galing sa siningil noong Enero 2012 hanggang Oktubre 2013 na gagawin sa loob ng tatlong buwan. Para sa mga residential customer, pinababa nito ang singil ng 5 sentimos per kWh. Babawasan din ng 14.53 sentimos per kWh dahil sa rate reversal na iniutos ng Energy Regulatory Commission mula sa sobrang koleksyon para sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp.

Nilinaw ng Meralco na dinadaanan lang ito ng pass through charges at tagakolekta lang ito sa mga consu­mer. (Eileen Mencias)

Source From:https://www.abante.com.ph/singil-sa-kuryente-tataas.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi